Start your journey with ASA Philippines and access financial services designed to support your growth.
How To Become A Member
Sa ASA Philippines, naniniwala kami sa lakas at diskarte ng mga kababaihan—lalo na ang ating mga Nanay. Layunin naming maging katuwang ninyo sa pagbibigay ng puhunan at gabay upang mapalago ang inyong negosyo, matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng inyong pamilya, at makabuo ng mas matatag na kabuhayan.
Paalala: Ang ASA Philippines, ay walang online transactions at processing fee.
Mga hakbang sa pagsali:
1
Hanapin ang pinakamalapit na ASA Branch o Group Meeting sa inyong lugar.
Sa Branch: Maaring bumisita para sa inquiries mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00PM hanggang 4:00 PM
Sa Group Meeting: Magtanong sa house owner ng schedule ng meeting upang personal na makapag-inquire sa aming team.
Note: Ang group meeting ay tinagalang meeting ng ASA members sa bahay ng isang miyembro.
2
Humanap ng co-borrower o surety maker.
Pumili ng isang mapagkakatiwalaang partner na interesado ring maging ASA member at may hangaring mapalago ang sariling negosyo.
3
Mag-fill-out ng Financing Application Form (FAF)
Makukuha ito sa inyong ASA Microfinance Officer (MFO) sa group meeting para sa inyo at sa inyong co-borrower o surety maker.
4
I-submit ang FAF
sa iyong MFO para sa evaluation.
5
Maghanda para sa House Visit
Bibisita ang aming Branch Manager (BM) sa inyong tahanan upang mas makilala ang inyong negosyo at sitwasyon.
Note: Kung walang house visit, makipag-ugnayan lang sa MFO sa inyong susunod na group meeting.
6
Kapag na-approve na ang aplikasyon, isumite ang mga sumusunod na requirements sa inyong MFO:
Isang (1) valid ID (hal. National ID, Voter’s ID, Driver’s License, SSS o TIN). Kung walang valid ID, maaaring magsumite ng Barangay Clearance.
Isang (1) recent photo (1.5 in x 3 in) na may white background. Kasama ang asawa o ang inyong napiling co-maker.
4
Dumalo sa group meeting
upang matanggap ang inyong Passbook, na magsisilbing record ng inyong mga transaksyon.
4
Dumalo sa Orientation.
Mahalagang bahagi ito upang lubos na maunawaan ang inyong mga responsibilidad at kung paano makakatulong ang aming programa sa inyong negosyo at pamilya.
Pro Tip para sa mga Nanay:
Kung may kakilala kayong active member ng ASA, maaari kayong magpa-introduce sa kanilang Microfinance Officer (MFO) upang mas mabilis kayong magabayan sa inyong aplikasyon.
Paalala: Siguraduhing kompleto ang requirements para sa isang maayos at mabilis na proseso.
Frequently Asked Questions
Find answers to common questions about membership and our services.
Loan Information
Magkano ang maximum loan amount?
Para sa paunang loan, ang halaga ay hanggang ₱50,000, subject to evaluation.
Magkano ang interest ng loan?
May 15% na interes sa principal amount, na ipapaliwanag ng MFO bago ang loan release
Ano ang payment term?
Ang payment terms ay ipinapaliwanag ng MFO at nakadepende sa loan type at evaluation
Membership & Eligibility
Pwede bang mag-apply ang lalaki?
Hindi. Ang ASA Philippines ay eksklusibo para sa mga kababaihang negosyante, lalo na sa mga Nanay.
Pwede bang sumali kung member na ako ng ibang MFI?
Oo, maaari pa ring mag-apply.
Paano kung single ako o nasa malayo ang asawa?
Maaaring immediate family member ang pumirma bilang co-maker, basta handa at kwalipikado.
Pwede bang magpadala ng representative kung busy ako?
Hindi. Kailangang personal na dumalo ang aplikante sa group meeting, orientation at iba pang required activities.
Paano kung wala pa akong co-maker o surety maker?
Kinakailangan ang co-maker o surety maker. Kung wala pa, dumalo muna sa group meeting at makipag-ugnayan sa inyong MFO para sa gabay.
Transfer & Returning Clients
Pwede bang mag-transfer ng branch?
Oo, ngunit kailangan ipaalam muna sa inyong MFO at ito ay subject sa evaluation at approval.
Pwede bang mag-apply ulit ang balik client?
Oo, subject sa evaluation
Transactions & Payments
Pwede bang mag-apply ng loan sa branch?
Ang loan application ay pangunahing ginagawa sa group meeting sa tulong ng MFO.
Pwede bang magbayad sa branch?
Oo, pero considered as late payment na ito. Lahat ng payment ay dapat sa group meeting isinasagawa.
Paalala: Ang late payment ay maaaring makaapekto sa future loan application.
May online transaction ba ang ASA Philippines?
Walang online transactions at walang processing fee ang ASA Philippines.
Business & Loan Use
Anong klase ng negosyo ang pwedeng pondohan?
Lahat ng legal na negosyo, maliban sa:
pautang
sugal
bisyo o vices
Savings
Pwede bang mag-withdraw ng savings anumang oras?
Oo, pwedeng mag-withdraw ng savings Lunes hanggang Biyernes, maliban kapag holiday.
Pwede bang savings lang o loan lang?
Ang savings ay bahagi ng pagiging miyembro at kasabay ng loan program.
Ready to Get Started?
Visit any of our branches nationwide to begin your membership journey today.